Harudyusku!!! Tatlong araw na lang 1 year old na ko... Biruin mo isang taon na kong nabubuhay sa mundo ng ganun-ganon lang? Eniwey ewan ko lang kung matutuloy pa ang selebreysyon ng aking unang kaarawan dahil nitong nakaraang araw ay sunod-sunod ang bagyo -_- harinawa sa darating na miyerkules ay sumikat si haring araw para tuloy ang aming PARTY! PARTY! you know!
Eniwey maiba tayo ng usapin nitong past days ay nagkaroon ako ng sore eyes, wawa si ako kasi di ako makamulat ng maigi naging parang intsik ang akin mata o yung bagang parang mga picture ni kuya Jello sa kanyang pesbuk... Mga ilang days din akong nagka-sore eyes hanggang sa magkahawahan na sila, una si Ate Julie, Tita Joy, si Amaing Jonel at si Lolo Tonton, dasal dasal talaga ko ng mataimtim na sana matigil na ang virus sa Vierneza Compound at salamat sa diyos dininig nya ang hiling ng kyut na bata! :)
Ayayay! may naalala ako habang laro-laro ako ay nagkakagulo sina Lola Ada dahil kahapon ganire iyon isang mataimtim na hapon ay sinundo ang aking kuya Neknek, makalipas ang ilang oras ay hinanap si Kuya Neknek pero wala sya dito, wala sya doon, at maging sa aking Pampers ay wala din sya, nag-kanda-gulo-gulo sila, ingay-ingay at hanap dito hanap doon sa nawawalang si Kuya Neknek, gusto ko sana sabihing "CHILL" lang kayo andyan lang sya! Pero antok na ko kaya natulog na ko nun..... Pagkamulat ko ng mata ay Cool na sila lahat at di na tensyunado napag-alamam kong umuwi pala mag-isa si Kuya Neknek, harudyusku por dyos por santo mahabaging ama pagkalayo-layo ng aming tahanan at mag-isa lamang syang pumunta, nilakad nya siguro yun o di kaya tinakbo, alam nyo bang matataas ang damo dun at maputik ang daan paano na lang kung nakagat sya ng ahas o di kaya dinukot ng adik at dinala sa maynila para pagtindahin ng pamintang durog, paano kung nadapa sya at nagpagulong-gulong sa tulay inanod ng malaks na tubig at na-headline sa bulgar bukas, "Tangang Bata nahulog PATAY!" tsk tsk! kung ganito nga naman ang kuya mo madaling puputi ang aking buhok!!! Eniwey napag-alaman naming umuwi nga sya mag-isa dahil nag-text si Tito John paul kay Tita Joy at andun na nga daw si Kuya Neknek umuwing mag-isa, galit na galit si Ina at nagsabing bubuntalin nya daw si Kuya Neknek, hinaplos ko sa likod si ina at pinakalma dahil buntis nga si ina at baka kung mapano si Bebi sa kanyang Tiyan...
Eniwey, sa nalalapit ngang birthday ko ay unti-unti na kong natututong maglakad at humakbang pero takot pa si akong bitawan ang aking kamay at baka ako ay madapa pa, sana sa miyerkules ay wala ng bagyo para kahit papano ay ma-iselebryet ko ang aking unang kaarawan sa mundo. :) :e :e :e
0
Gusto ko ng pumasok sa ISKUL BUKUL!
LEKLEK |
Eniwey kanina namili kami ng gamit para kay Kuya Neknek ingit ako kasi sya napasok na sa iskul, ako din sana gusto ko na pumasok pero 11months pa lang ako, i want to learn more you know, gusto ko malaman kung gaano kalaki ang earth, gaano kalawak ang dagat, ano-ano makikita sa space, gusto kong maging henyo mas henyo pa kay Einstein pero ano magagawa ko Puppet lang ako este bebi pa lang ako :( gusto ko rin maka-gain ng friends at higit sa lahat maging escort sa iskul :d ..................haaaaayyyy bukas na istart ng klase nina Kuya Neknek ako matagal pa mag-iintay suggest nga ako kay ina na pag 1yr. old na ko i-enroll na nya ko sa kilalang iskul ayoko sa tabi-tabi lang sayang ako no! malay mo maging presidente ako balang araw! Eniwey habang sinusulat ko to ay napatingin ulit ako sa aking blog at awts 23 days na lang pala kaarawan ko na! :e hmmm ano kaya mga supresa sa akin sa darating na june 29???
Subscribe to:
Posts (Atom)