Pages

0

Buhos na Ulan

      ♪♫ Pumapatak na naman ang ulan sa bubong ng bahay! Lalalala ♫♪ Kanta-kanta muna ko kasi di kami makagala sa labas ni Lolo, haist naman si bagyong bebeng amp naman uu. :(  eniwey haywey kahapon nga pala ay maders day kaya binabati ko lahat ng mader dyan HI sa inyong lahat, ay uu nga pala kahapon sobrang galit sa akin ni Lola halos palayis pa nya ko sa bahay :( may sinasabi pa sya sa akin na ano nga ba yun yung Utang nang to! yun ata yun hala lahat ata ng gatas utang ko kay Lola yun ata ibig nyang sabihin, eniwey bakit nga ba ayaw kong magpabuhat kay lola kasi po may dahilan ako dyan alam naman nating may sakit si Lola Nilda kaya ayaw kong magpabuhat ayaw ko syang mapagod you know! Pero mga bandang ala-una nawala na yung galit, inis, at yamot sa akin ni Lola kasi may dumating na swerte sa kanya yun nga yung napasulat dun sa SCN yung blog ni ninong Otot, nanalo si Lola dun sa Colgate ng 5,000 pesosesoses, tawa-tawa si Lola at nalimot na nya yung galit sa akin, Apir kami ni Lola di nya alam uto-uto ko sya pambili ko ng gatas hakhak ay bura-bura-bura! Nagpakalong ako sa kanya pero saglit lang kasi nga ayaw kong mapagod sya you know!
 
    Kahapon din habang malakas ang buhos ng ulan ay nood-nood ako sa harap ng TV kasi laban ni Manny Pakyaw PAK! PAK! PAK! ganyan-ganyan si Manny laban kay Mosley, yehey panalo si Manny, nang sinabi na ng referee kung sino panalo ay napasayaw na lang ako sa galak :e
Eniwey gapang-gapang ako sa sulok at nagdasal ng mataimtim habang bumubuhos ang ulan, pray ako kay Papa Jesus kasi dininig nya yung wish ko na sana magkabati na sina Ina at Ama, at yung mga taga Vierneza Compound naman alam kong di nila ako matitiis ei, Isang ngiti ko pa lang wala na rin ng tampo nila sa akin, di ko namalayan gabi na pala, wala pa ring tigil ang buhos ng ulan, ansarap matulog. ZZZzzz

0 comments:

Post a Comment

Back to Top