Pages

0

AKO Ek_Ek!

Ek_Ek & Lowlow
      Hello! Kamusta na ang lahat, medyo matagal-tagal na rin akong di nakakapag-post dito sa kyut kong Blog ^^ > Nga pala eto na si ako, Si Ek_ek isang taon at sampung buwan na, ayun si ako oh yung picture ako yun at si Lowlow (alak) sa manila zoo yan, punta kami dyan kasi nag-rekwes ako kay Lowlow, sabi ko gusto ko makakita ng Elepante. Syempre andito na naman ako at Magkekwento ng ka-Ek_ekan sa inyo :) Ano na nga ba ang nagyari sa akin (syempre ako ang bida sa istorya) Ayun na nga Isang Taon na ako at bibong-bibo. Alam nyo ba marunong akong sumayaw ng "Teach me how to dougie at superbase" syempre iba na ang laking Lactum, panatag si Ina.

      Di lang ako busy ngayon kaya naisipan kong i-update ang blog ko, kasi alam nyo kahit magdadalawang taon pa lang ako nararamdaman ko ako ang Bread Winner saming Pamilya kitang-kita naman diba si Ama waley maasahan dun shshshsh. Sori Daddy  nakuuu! Pag nabasa nya to tyak tatakutin na naman ako nun kay Azon: Ang unang mamaw :( Eniwey, dahil nga sa nagkaka-edad na ko, iniisip ko na agad kung san ako mag-aaral at kung anong kurso ang kukunin ko sa Kolehiyo, Ganun talaga ang Life eh, Iniisip ko agad ang Future ko para matuwa naman sa akin si Daddy at si Mommy at si Neknek at si Kleng-kleng. Nga pala Si Kleng-Kleng ang nakababata kong kapatid nang iluwal sya ni Mom medyo nabawasan na ang kalinga na tinatamasa ko sa Compound ng Vierneza ganun yata talaga ng Buhay, Pero im Happy for my Little Sis at hindi ako bitter XD

     Sya si Kleng-Kleng o Sophia Chloe, ganun talaga may kalandiang taglay si Mam eh pwede naman Nene na lang o kaya Nina eh di tapos ahihihi. Eniwey ang isa pa nga palang kekwento ko ay tungkol dun sa mga kinatatakutan ko na sina Dodi, Orly, Pwet, at marami pang iba pag ako lang talaga nakahanp ng tyempo papa-baranngay ko talaga sila walang halong Biro. Ahihihi. SHSHSH! Ayun, Sabi nila may pagka-pilyo daw ako habang lumalaki, mariin ko namang tinanggi yun kasi i know deep in my heart n my soul im a kind person :) ahihihi.  O sya sya sya hanggang dito na lang at ako ay magtatago pa andito na naman kasi yung babaeng lagi akong kini-kiss LANDE! Sige Bye bye po sa lahat! INGAT!
Back to Top