Pages

0

DEAR PAPA JESUS

Dear Papa Jesus,

               Una po sa lahat sana laging Healthy ang aking mga Pamilya at sana po ay iadya mo sila sa lahat ng masama... At sana po sa oras na ito kasi ay may tampuhan na naman ang aking magulang, sana ay magkabati na po sila, ako'y nalulungkot po sa nangyari sa kanila nitong nakaraang holy thursday, ako na po ang nagpapasensya sa kanila at sana'y i-blessed nyo sila po, nawa'y patawarin mo sila sa kanilang pinag-awayan na isdang tambakol... at sa mga fans ko naman po dyan sa Vierneza compound sana po ok lang sila don, wag po sana silang mag-alala sakin dito sa dela paz, miss ko na po silang lahat lalong-lalo na yung pagkanta sa akin ni Lola Noemi, mahal ko po sila i-blessed nyo rin po ang mga tao doon... Sana po Papa Jesus si ama na ang sumuyo kay ina, sana ay maintindihan nya ang kalagayan ni ina dahil nagdadalang tao ito, Yun lang po sana Papa Jesus... at teka lang po pasensya na po dahil alam kong hindi ako yung kyut na bata na ginamit na picture sa taas at last na lang po sana kahit papaano naman po ay tumangos ang aking ilong. Yun lang po. :)

                                                                                                                              Nagmamahal ng lubos,
                                                                                                                                                   EK_ek
0

Purdoy, Bakuna, at Ispageti

     Halu, badtrip ako ngayon kasi ba naman ganito yun, kinalong ako ni tita joyce papunta kina Vimen tapos sinabihan ba naman akong panget :( nalungkot ako, dati kasi cute daw ako kasi tabachingching ako pero ngayon payat na ko kasi pinagdadiet nga ako ni ina, :) tapos pa kinakantahan na naman nila ako ng purdoy song di nila alam sa gitna ng matatamis kong ngiti ay may kirot akong nadarama :( ajajaja

    Pagkatapos isang umagang kay ganda para sa akin katatapos ko lang matulog, gapang-gapang ulit ako tapos niyugyog ko si ina para kalungin na ako pababa, nagulat ako kasi madaming unknown na mukha sa baba takip mata ako, maya-maya tuluyan na kong natakot kasi hinawakan nila ako tapos may nilabas na karayom, piglas-piglas ako pero wala akong nagawa, anlakas-lakas nila huhuhu :~ ang kaawa-awang ako ay tuluyan nang naturukan ng bakuna, umiyak ako pero saglit lang, tinigil ko ang aking pag-iyak para isipin nila matapang akong bata! :h

ikot-ikot
   
    Kinahapunan ay masaya na ako dahil kumakain na ko at wala na kong lagnat, ok na ang aking pakiramdam binili pa ako ni lola noemi ng yung umiikot na di ko alam kung ano iyun, hello kitty pa yung design :f binili nya sa plaza sa halagang P25, ikot-ikot yung binili ni lola noemi sa hangin pero nilayo sa akin ni lola nilda dahil sinisira ko daw :( la na kong nagawa kundi pagmasdan na lang syang umiikot-ikot sa taas. habang pinagmamasdan ko yung umiikot-ikot ay nakita ko si lolo tonton at lola achie mukhang aalis sila di yata ako kasama kasi di pa ko binibihisan ni ina.

     ...... Yun nga tama ang hinala ko di ako kasama, maya-maya dumating na sila may uwi na pang-ispageti, sabi nila bukas daw yun lulutin kasi birthday ni kuya ian, ay ngayon na pala yun kasi sixteen na ngayon. ^^ ahmmm... ano kaya ang ireregalo ko? kiss kaya? o kaya sayaw na lang ako, kakanta sila ng ek_ek_ek_ek tapos ako sasayaw... Weeee!!! o sya, sya, sya baka magising pa si ina at ama, patayin ko na tong laptop. Gudnite ebwebadi!!! 
0

Ek_ek is di na baboy!


    Haiiissst... andito pa ko sa dela paz, ayaw pa kong sunduin ni Mahal na ama, pagkatapos over weight daw ako sabi nung doktor, harudyusko! pagkain na nga lang ang libangan ko pinagbawalan pa kong kumain :( eniwey boring na ko dito sa amin dahil wala akong magapangan, wala rin akong makitang ibon na lumilipad, miss ko na sina lola, tita joy, ninong toto, lolo tonton at iba pa, . La ko magawa kaya nag-drowing muna ko, gapang-gapang ako sa isang sulok tapos kinuha ko yung crayons ni kuya neknek! Guhit guhit ako ng isang pamilya! Si ama, si ina, si kuya, si ako at si bunso na nasa tiyan pa ni mahal na ina! :)

My Family

     At dahil nga sa di na ko masyadong pinapakin ni mahal na ina ay nangayayat na si ako, si ako ay di na ko baboy :r bawal na daw ang rice pero di naman bawal onti-onti lang daw, aga ko natulog kagabi pagod kasi ako, depressed pa ko dahil walang food sa aking katawan, eniwey high way maaga akong nagising kanina alas-kwatro ng umaaga pinadede agad ako ni ina, tsup tsup tsup ubos agad after 3 minutes! Maya-maya mga alas-sais empunto ng umaga ay may dumating akong bisita. WAAAAHHH! andito sina tita at lola kasama pa si ate julie at sino itong si juon ata ngalan nya, tingin ng tingin kay tito john paul! HOY! ikaw juon lubayan mo si tito bata-bata mo pa lande mo nang bata ka! :@ eniwey, na-shock sila dahil nga di na ko baboy payat na si ako diet baga! natuwa ako kasi dinalaw nila ako dito sa dela paz laro-laro kami ni tita... Ilang saglit pa umalis na sila at umuwi na sa vierneza compound nagpasabi na lang ako kay tita na wag mag-alala ang mga fans ko sa compound dahil ok naman ako.

     5:30 pm ay may tumawag kay ina, kriiiing... kriiinnnggg. naku si ama ano kaya ang pakay nya, gapang-gapang ulit ako at nakinig sa usapan nina ama at ina.

INA: Yes?
AMA: Susunduin ko na si anak, be ready in 30 minutes!
INA: Ok!
AMA: Good!
 
   Yun lang ang pinag-usapan nila, nalungkot ako kasi wala man lang akong narinig na mwahtsuptsup o mwahlaplap sa kanila :@ at yun na nga maya-maya andito na si mahal na ama, paalam kami kay lola at pagkatapos ng ilang minuto ay nasa compound na kami! Welcome home! andito na ulit ang star, pagdating ko sa compound ay sinalubong ko sila ng beautiful eyes! fin...
0

BREAKING NEWS: Wil naglabas ng sama ng loob!

     Natutulog ako at dumedede ng maalipungatan ako narinig ko kasi si Papi aka Willie Revillame, alas diyes na ng gabi gapang-gapang ako papunta sa TV at nakita ko nga itong si Wil, umuusok sa galit mukhang napuno na sa kakabira ng ABS-CBN sa kanya, nakakita daw kasi ang dos ng butas para mapatigil na naman ang show nyang Willing-willie, eto yung Kontrobersyal na pagsasayaw ng batang si Jan-jan ng macho dancer pero aaminin ko mas magaling pa akong sumayaw doon.

    Binira din ni Wille ang mga walang katapusang nag-titweet laban sa kanya pinangalan nya sina Lea Salonga, Mylene Dizon, Jim Paredez, Aiza Suegerra na sinabihan pang magpakalalake daw, si Tuesday na kapwa taga TV5 nya at si Bianca Gonzales na taga SNN, Wala wala wala daw silang naitulong sa mahihirap pero sya Mewon mewon mewon! Umusok din ang kanyang galit sa mga endorsment nyang nagsi-alisan, wala pa daw napapatunayang inabuso nya talaga si Janjan pero bakit ganoon ang nangyari BAKEEET?! Bakit sa Showtime daw may mga nagsasayaw ng naka bra lang na mga bata pero bakit sa show nya lang ito napansin?! Mukhang napuno na talaga si Wil dahil feeling nya ay gusto lamang talaga ng ABS na mawala ang kanyang show :c sa MTRCB pinalitan ang tatlo at kapwa ang tatlong bagong myembro ay kapwa may kinalaman sa ABS-CBN kaya ayun lalong sapul si Wil.

   Saktong alas-diyes na ng matapos ang Willing-willie at bago ito matapos ay nagpasya at nagpaalam sya sa  Boss ng TV5 na magpapahinga muna sya, magpapahinga muna ang Willing-Willie sa TV at mag-iisip muna daw sya kung babalik pa sya o hindi na. Oh sya sya antok na ulit ako, tulog muna para lumaki ako. Zzzz Gudnyt ebwebadi!
0

Kwentong EK_EK!

itsmeEK_EK
    Ako po si Jherick Raynel Gacula aka Ek_ek ipinanganak ako noong hunyo abente-nwebe taong dos mil dyis. Ang aking ina ay si Cherry De Paz at ang aking ama ay si Jonel Gacula, sabi-sabi sa akin noong di pa ako ipinapanganak ay laging nag-aaway ang aking magulang, PAK BOOM TSUG! tunog ng awayan nila, pero nang isinilang ako ay salamat sa diyos ganun pa rin sila, di nila alam pag nag-aaway sila akala nila tulog na ko pero sa katunayan ako'y umiiyak, masakit sakin makita silang nag-aaway It's Hurts You know! Lagi tuloy nako-konsimisyon ang aking mahal na Lola, pero ngayon may sakit si Lola Nilda ay dumalang na ang kanilang pag-aaway at sa wakas na dinig na rin ang aking dasal. Sabi nila baboy daw ako dahil ako'y PG at ako'y spoiled pa daw kay Lolo Tonton sabi-sabi pa nila di ko naman daw Lolo si Tonton ang Lolo ko naman daw na totoo ay nagngangalang JOSE! Pero asan na nga ba si Lolo Jose nakita nyo ba sya? Ayon kasi sa aking masusing pananaliksik si Lolo Jose daw ay di na umuwi dito sa amin simula noong grumadweyt si Tita Joy (Nag-aalaga sa akin tuwing wala si mahal na ina) dito sa amin noong high iskul sya, labis itong ikinalungkot ng aking Lola, sabi ko sa aking Lola may kapalit naman si Lolo Jose, AKO! kahit pango'y cute naman :e

   May kapatid ako pangala'y Neknek katulad ko negrito din sya pero pordyos por santo mahabaging ama bulung-bulungan na super likot nya kapag andito sya kaya maraming galit sa kanya dito lalong lalo na si Noemi este Lola Noemi, bukas ref dito bukas ref doon akyat hagdan dito akyat hagdan doon, pero kahit di nila masyadong love si kuya neknek, ako nama'y love ko sya. ♥  Balik tayo sa aking mahal na ina at ama, sa katunayan na di na nga sila nag-aaway at puro lambingan na lang aba naman aysus ginoo nakabuo ulit sila ng bebi naunahan na naman si Tita Vel na lagi akong binilbili ng jelly ace  kapalit ng aking beautiful eyes trick, ayon sa mga otaw dito sa compound ay maiitsupwera na ako kapag lumabas ang bebi nina ina at ama at iuuwi na ako sa dela paz, :-( pero ok lang ganon talaga ang buhay parang life weder weder lang :-) . At yun na nga po ang kwento, nagugutom na ko dedede muna ko JEJEJE :) :e
0

KWENTONG OTOT

KWENTONG OTOT  CLICK HERE
Back to Top