Pages

0

My 1st Birthday!

   (September 29) 5:30 ng umaga ako ginising ni ina para ako ay magupitan na ni kuya Amiel, alam mo naman ang mga Pinoy maraming pamahiin na kesyo gugupitan lang ang bata kapag tumuntuong na ito ng 1yr. old. Ako'y nag-aalinlangan na baka di bumagay sa akin ang bagong gupit pero keri naman pagkatapos :) Agad-agad na silang nagsipaglutuan dahil maya-maya na ay darating na ang akin mga bwisita este bisita, abala silang lahat sa pagbubuhay ng kalan, luto dito-luto doon.

Mga bandang alas diyes ay dumating na ang aking mga balloons, silya at lamesa pero gulat-gulat ako dahil nagputukan ang iba, habang abala sila sa preparasyon sa aking party-party ay pray muna ako kay Papa Jesus na sana di umulan at makisama ang panahon, *POOOOK* ayayay! Pumutok ang pinaka malaking balloon mukhang si Lola Noemi ang may sala :'( 



Yay! Ang aking 1st ever cake! LIKE! thanks kay Lolo Tonton pero sana sa aking 7th birthday mataas taas na mga 7 layers :)


Alas tres na ng hapon simula na sana ng aking Party pero sad ako dahil wala pang dumadating na bisita, akala ko noon na walang pupunta nagsimula pa naman ng mag-make up na ang mga clown :'( habang patuloy na umaandar ang oras ay wala pa ring dumadating sa wari ko'y ang mga bata ay natatakot pumasok sa aming compound dahil sa takot at sindak sa lola ni Intsik na si Lola Noemi. Pero finally after 30 minutes ay may dumating na dalawa, maya-maya'y sina Jumong en friends naman. Habang naghihintay pa kaming dumating ang bisita ay isa-isa ko muna silang kiniss para maentertain sila. At salamat sa diyos dahil di ko napansin na puno na pala ang silya at lamesa kaya umpisa na ng aking Birthday Party! :e


Nagpatawa muna ang mga Clown As usual pagkatapos ay nag Magik na si Kuya Ruel anak ni Lola Lina na apo ni Shane Aubrey pero lungkot ako dahil nawala ang kanyang shade :( Palakpak ako dahil na mangha ako sa mahikang kanyang ipinamalas. Pagkatapos ng Magik ay pukpok palayok naman at pabitin gusto ko sanang umagaw pero di pa pwede, Paano puppet ako?! Eniwey tuwa-tuwa sila lahat at di naming napansin halos patapos na pala ang aking party! Diz is it its time to blow the candle of mine, kanta-kanta muna sila ng Api Birthday bago ko i-blow ang candle at mag-wish pero la pa kong maisip na wish non, di pa ako marunong kaya si Ina na lang ang nag-blow ng candle, palakpakan sila lahat at ang party ay tapos na ... Weeeee!!! :)
 
Pasado alas syete na bukas bukas ko na ang mga gifts ko may damit, laruan at mga unan haaaaayyy ambilis talaga ng oras tapos na ang aking birthday pero shock ako dahil di pa pala ang event dahil may isa pa as usual away-away na naman sina ina at ama sa kadahilanang di ko mawari, iyak-iyak si ina at sobrang its hurts you know ay kina ninong toto muna kami natulog :( Sad ako kasi kahit sa mismong birthday ko pa sila away-away. Bago ko natulog ay alam ko na ang aking wish na sana ay di na muli mag-away sina ina at ama 4ver n ever love love love awooo awooo :) dat'z all! :)

0 comments:

Post a Comment

Back to Top