Pages

0

Gusto ko ng pumasok sa ISKUL BUKUL!

LEKLEK
          Tsak! tsak! tsak! tawag tawag muna ko ng butiki habang intay ko si Mami magtimpla ng gatas, eniwey payat ako ngayon kasi la ko gana kumain dis past days, nagtatae pa ako kaya tuluyan na kong nangayayat, pero sa gatas lang naman ako lang gana, ibang usapan na pag ibang pagkain ang inihahain sa akin ni ina pero sad ako :( bawal nga muna daw akong pumapapa ng ganito ganoon. :(  Ayayay! may papakilala nga pala ako sa inyo si Leklek sya yung nasa picture oh ayun oh! bigay sya sa akin ni Ninong Otot hakhak! Sabi nya sa akin alagaan ko sya dahil lapit na akong magkapatid, pero lingid sa kaalaman nya tapon-tapon ko sya minsan tapos kagat ko ulo sabay hagis hakhak sssshhhh!!!

         Eniwey kanina namili kami ng gamit para kay Kuya Neknek ingit ako kasi sya napasok na sa iskul, ako din sana gusto ko na pumasok pero 11months pa lang ako, i want to learn more you know, gusto ko malaman kung gaano kalaki ang earth, gaano kalawak ang dagat, ano-ano makikita sa space, gusto kong maging henyo mas henyo pa kay Einstein pero ano magagawa ko Puppet lang ako este bebi pa lang ako :( gusto ko rin maka-gain ng friends at higit sa lahat maging escort sa iskul :d ..................haaaaayyyy bukas na istart ng klase nina Kuya Neknek ako matagal pa mag-iintay suggest nga ako kay ina na pag 1yr. old na ko i-enroll na nya ko sa kilalang iskul ayoko sa tabi-tabi lang sayang ako no! malay mo maging presidente ako balang araw! Eniwey habang sinusulat ko to ay napatingin ulit ako sa aking blog at awts 23 days na lang pala kaarawan ko na! :e hmmm ano kaya mga supresa sa akin sa darating na june 29???

0 comments:

Post a Comment

Back to Top