Pages

0

BREAKING NEWS: Osama bin laden TEPOK na!!!

 
    Katatapos ko lang pumapapa at nanonood na ko ng showtime, gaya-gaya ko pa nga ang chant ni ate Anne Curtis ng biglang mag breaking news, ang balita patay na daw si Bin Laden, sa loob-loob ko na pa "HUH??!!!!" ako, akala noong una ay artista pero di pala, di ko pa sya kilala kaya dali-dali akong gapang-gapang para buhayin ang aking laptop, search ko sya sa google at ayun, sa aking masusing pananaliksik sya ay isang bad boy, :v sya daw kasi ang utak ng 9/11 attack sa amerika na ikinasawi ng mahigit 3,000 pipol :( Ay sus! sabi na nga ba bad boy sya! sa pangalan pa lang ei, oSAMA masama ugali! BIN basura! Laden la den kwenta! :~. Ayon pa sa aking masusing pananaliksin si Osama din daw ang pinaka utak sa lahat ng terorismo sa earth, malawak daw ang kanyang galamay, naniniwala din ang iba na ang Al Qaida movement ang nagbibigay tulong sa Abu sayyaf para maghasik ng lagim sa Pinas! Ang Abu sayaff ang pinaniniwalaang nagtanim ng bomba sa super ferry 14 na ikinamatay ng maraming tao. Ang sayyaf din ang nagtanim ng bomba sa isang bus sa makati noong araw ng mga puso. Sila rin ang nagpasabog sa isang restaurant sa davao city na marami ding namatay. Habang isinusulat ko ito ay napakanta na lang ako bigla ng "Sana pag-ibig na lang ang isipin ng baat isa sa mundo..." Ay Teka hindi kaya si Selina yung napanood ko sa TV ay myembro din ng abu sayyaf?

0 comments:

Post a Comment

Back to Top